Martes, Hunyo 12, 2012

Fan sign

Eto ang pampainit na bumulaga sa akin nitong maulan na Miyerkules ng umaga: isang "fan sign" mula kay Leonissa Mae Issabel Floriano, isa sa mga katsokaran ko sa Facebook.

Bagama't mukhang retokado (i.e. Photoshopped) ang larawan, okay na sa akin 'to dahil mababaw naman ang kaligayahan ko. Sapat na sa akin na nag-effort ang sinumang henyo na may pakana nito para ilagay ang napakaganda kong pangalan sa cardboard na hawak ni Leonissa, na may ambisyon 'atang humilera sa mga tulad ni Mocha Uson, Nathalie Hayashi, at Jahziel Manabat -- mga tsikas na napaka-generous maglantad ng kanilang, um, mga natatanging yaman sa Internet para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng mga simpleng manyakis na tulad ko.

Para d'un sa mga interesado kay Leonissa, silipin na lang ang kanyang Facebook page. Hindi kayo magsisisi, lalo na kung trip n'yo 'yung tinatawag na "exotic beauty." Narito ang dalawang sample pictures niya:


Ayos ba mga 'tol? Kung trip niyo siya, add niyo siya sa Facebook at mag-request din kayo na gawan niya kayo ng fan sign.

Linggo, Hunyo 10, 2012

Usapang boksing

Papawis tayo, baby.
Para sa akin, tanga o bulag o sadyang utak-talangka lang ang sinumang naniniwala na fair ang pagkapanalo ni Timothy Bradley laban kay Pacquiao nitong nakaraang weekend sa Las Vegas. Bagama't malayo ang ipinakita ng Pambansang Kamao sa tinatawag na "vintage Pacquiao," hindi rin naman gan'un kahusay ang ipinamalas na talento ng Amerikanong boksingero sa ring. Sang-ayon ako kay Quinito Henson na bagama't tila malamya si Pacquiao sa huling rounds ng laban, hindi rin naman gan'un kasigasig si Bradley para mag-take advantage sa sitwasyon. Sa 12 rounds, apat lang siguro rito ang maaaring ibigay kay Bradley. And yet siya ang hinirang na panalo ng dalawa sa tatlong hurado. Holy shit!!! May papel ba dito si Lolit Solis?

Sa totoo lang, mas boring pa sa pasyon tuwing Holy Week ang naging laban ni Pacquiao at Bradley. Kung talo si Pacquiao, mas talo siguro 'yung mga mokong na gumastos ng malaki para mapanuod ang nasabing laban ng live, sa sinehan man o sa bar o saan mang lupalop na may Pay-Per-View at alak. Sigurado ako na marami sa kanila ang nakaramdam lang ng pulso nang i-announce na panalo si Bradley. (Si Chavit kaya, magkano ang natalo sa pustahan?) Ilan sa kanila ang nagbuhos ng sama ng loob sa Twitter at Facebook, habang ang ilan naman ay naging zombie at nilamon ang bituka at atay ng katabi nila.

Pero life goes on, ika nga. Talo si Pacquiao. Malamang walang motorcade sa Maynila at bagong SUV o designer bag si Mommy Dionisia. Hindi ito katapusan ng mundo. Magsisimula ang katapusan ng mundo kapag naisip natin na isang napakagandang ideya ang magkaroon ng Senator/Vice President/President Pacquiao. Whoa! S'an nanggaling 'yung hirit na 'yun?

Martes, Hunyo 5, 2012

Nathalie, oohhh

Si Nathalie, ang aking muse.
Tangina, June na pala. Parang umutot lang ako tapos na agad ang May. Anyare? Hindi mo namamalayan, bukas, makalawa, Pasko na naman! (Nathalie Hayashi, kelan mo 'ko sasagutin? Trip na trip kitang kakulitan sa Facebook kahit 'di mo sinasagot ang mga message ko. Okay lang. Kuntento na ako sa mga litrato mo lalo na kapag gabi at maulan at ako lang mag-isa dito sa apartment.)

Putris! Sa'n nanggaling 'yung hirit na 'yun?

Praning ako ngayon, mga bro. Kamakailan kasi nag-resign ako sa trabaho matapos kong sapakin ang baklang team leader namin. Akalain mo ba namang bigyan ako ng pasang-awa na evaluation? Hindi tuloy ako naging qualified sa ASA o sa Annual Salary Adjustment namin. Umaasa pa naman ako sa ASA na 'yun. Kaya 'yun, nang matiyempuhan ko si Baklang Team Leader sa CR, hinarap ko siya sa pinaka-professional na paraan na alam ko: kamao sa bunganga!

Kaya ngayon jobless ako parang si Renato Corona, at nabubuhay na lamang sa manaka-nakang writing assignments (translation: limos) mula sa mga taong may ginintuang puso. Mabuti na rin at may kaunting barya akong naipon sa alkansiya, kahit papaano ay may pambili ako ng Gran Matador at yosi at Internet prepaid card para panlaban sa lungkot.

Siyanga pala, nagsusulat din ako ng nobela --- nobelang bastos! Kung papalarin may bibili nito at makakapag-buhay don ako kahit sa loob lamang ng ilang linggo. Saka na muna ang detalye; naniniwala kasi ako sa usog.

Haaay buhay.

Nathalie, will you marry me?