Linggo, Hunyo 10, 2012

Usapang boksing

Papawis tayo, baby.
Para sa akin, tanga o bulag o sadyang utak-talangka lang ang sinumang naniniwala na fair ang pagkapanalo ni Timothy Bradley laban kay Pacquiao nitong nakaraang weekend sa Las Vegas. Bagama't malayo ang ipinakita ng Pambansang Kamao sa tinatawag na "vintage Pacquiao," hindi rin naman gan'un kahusay ang ipinamalas na talento ng Amerikanong boksingero sa ring. Sang-ayon ako kay Quinito Henson na bagama't tila malamya si Pacquiao sa huling rounds ng laban, hindi rin naman gan'un kasigasig si Bradley para mag-take advantage sa sitwasyon. Sa 12 rounds, apat lang siguro rito ang maaaring ibigay kay Bradley. And yet siya ang hinirang na panalo ng dalawa sa tatlong hurado. Holy shit!!! May papel ba dito si Lolit Solis?

Sa totoo lang, mas boring pa sa pasyon tuwing Holy Week ang naging laban ni Pacquiao at Bradley. Kung talo si Pacquiao, mas talo siguro 'yung mga mokong na gumastos ng malaki para mapanuod ang nasabing laban ng live, sa sinehan man o sa bar o saan mang lupalop na may Pay-Per-View at alak. Sigurado ako na marami sa kanila ang nakaramdam lang ng pulso nang i-announce na panalo si Bradley. (Si Chavit kaya, magkano ang natalo sa pustahan?) Ilan sa kanila ang nagbuhos ng sama ng loob sa Twitter at Facebook, habang ang ilan naman ay naging zombie at nilamon ang bituka at atay ng katabi nila.

Pero life goes on, ika nga. Talo si Pacquiao. Malamang walang motorcade sa Maynila at bagong SUV o designer bag si Mommy Dionisia. Hindi ito katapusan ng mundo. Magsisimula ang katapusan ng mundo kapag naisip natin na isang napakagandang ideya ang magkaroon ng Senator/Vice President/President Pacquiao. Whoa! S'an nanggaling 'yung hirit na 'yun?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento