Biyernes, Oktubre 12, 2012

Dindi

Laman ng balita ngayon si Dindi Gallardo. Pinahiran daw kasi ng tae ng dati niyang amo sa States ang work area niya, kaya napilitan siyang idimenda ito.

Big deal ang balita kahit sa States, dahil ang idinemanda ay girlfriend ni Frank Miller, comic-book writer na kilala sa pagsulat niya ng Batman stories. Dati kasing executive coordinator ni Frank sa Dindi, na nanirahan na sa Tate matapos iwan ang showbiz dito.

Ilan pang pang-aabusong naranasan umano ni Dindi sa kamay ng GF ni Frank na si Kimberly Cox ay ang pagsira sa kanyang printer gamit ang martilyo, pambabato sa kanya ng telepono, at pag-iwan sa desk niya ng isang used sanitary napkin.

Kung hindi drug addict si Kimberly, malamang isa siyang mental case.

Nakita ko ang hitsura niya, wala siyang panama kay Dindi kung ganda at poise lang din naman ang pag-uusapan. Kung ikukumpara siya kay Dindi, mukha siyang used sanitary napkin. Sana lang ay makulong ang hayop na babaeng 'yun.

Siyempre, affected. Bukod sa Pinay si Dindi, isa rin siya sa mga pantasya ko n'ung elementary pa lang ako. Crush ko ang dimples at long legs niya. Higit sa lahat, hindi siya mukang mababaw. May class siya, at 'yan marahil ang dahilan kung bakit 'di siya tumagal sa showbiz.

Ilang beses din kaming nag-sex sa isip ko.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ang nakita niya kay Gabby Concepcion, na mukhang harinang naging tao. Brokenhearted ako nang malaman kong sila na. Buti na lang hindi sila nagkatuluyan.

Martes, Agosto 28, 2012

Tanginang shit 'yan


Hindi ako makapaniwala na mahigit isang oras ako sa kubeta kanina. Hindi dahil pinilit kong tapusin ang "War and Peace" ni Tolstoy, at hindi rin dahil nakatulog ako kahit magdamag akong gising kagabi at nagtatrabaho. Ang dahilan: constipation.

Tangina, sampung taon na kasi akong hindi naje-jebs kahit na lamon ako nang lamon at laklak nang laklak. Kaya kanina, nang maiwan akong mag-isa dito sa apartment, pinilit kong jumebs dahil iba na ang pakiramdam ko -- bloated na parang naimpatso na ewan. Sabi ko sa picture ni Iya Villania na nakadikit sa pintuan ng CR namin: "It's now or never, Iya. Para sa future natin at ng mga magiging anak natin 'to."

Makalipas ang 30 minuto, nakaupo pa rin ako sa trono, naiiyak na sa hirap.

Hindi ko naman magawang tumayo at kalimutan ang lahat na parang isang walang kuwentang GF. May kalahating jebs na kasing nakalabas, at kahit anong ipit ang gawin ko, ayaw mahulog ng putangina. Kapag umiiri naman ako, grabe ang sakit, parang pinupunit ang katawan ko. Dahan-dahan, tiniis ko. Ilang beses, sumigaw ako na parang susugod sa giyera. Nagkahulan tuloy ang mga aso sa kalye namin. Isang car alarm ang tumunog sa 'di kalayuan.

Sana pala nagdala ako ng beer at ininum ko sa loob. O kaya gin para mas malakas. O kaya shabu.

Hiyang-hiya ako kay Iya Villania sa labas ng CR.

Pero mahaba man paghahanap, nakita rin ang bangkay ni Robredo. Matapos kong sabunutan ang sarili habang nagmumura ng malakas, bumagsak din ang bomba -- at tangna! Sinlaki 'ata siya ng isang bagong-silang na sanggol!

Para akong nanganak, chong! Tangina talaga!

Kaya ngayon, hinang-hina ako at lumalaklak ng Cobra Energy Drink para lang mabuhay. Marahil, ganito ang pakiramdam ng ginahasa ng sampung baklang negro.

Biyernes, Agosto 3, 2012

Dream date

Sabi ng mga eksperto, date a girl who reads.

Pabor ako dito, dahil ako 'yung tipo ng tao na adik sa pagbabasa. Kahit saan ako magpunta, lagi akong may dalang libro. Kahit sa CR habang jume-jebs, may binabasa ako, either magazine o libro. (Pero hindi ako nagbubukas ng FHM o Playboy sa ganitong sitwasyon, dahil mahirap jumebs na may erection. Subukan mo.) Bago matulog sa gabi, nagbabasa ako. Habang nakapila sa FX, o naghihintay ng order sa isang lugawan, o naghahantay ng serbisyo sa isang bangko o government office, habang nasa bus o FX na naipit sa trapik, habang nagpapababa ng amats matapos makipag-inuman, nagbabasa ako. Mas gusto ko 'to kaysa makinig sa chismisan ng mga ugok sa paligid ko, o mag-text  ng kung anu-ano sa mga kakilala ko, o manuod ng TV kung saan karamihan sa palabas ay si Kris Aquino. Pag depressed ako, libro ang nilalapitan ko, hindi kaibigan. Tipid na, mas may sense pa.

At dahil mahilig ako magbasa, natural lang na ang gusto kong ka-date ay mahilig ding magbasa. Gusto ko, pag nagkuwento ako tungkol kay Hemingway o Stephen King ay hindi hihikab o magkakamot ng ulo o iikot ang mata ng ka-date ko. Major turn off para sa akin ang babaeng hindi alam kung ano 'yung The Catcher in the Rye. Dati, may naka-date ako na akala nya basketball player si JD Salinger. Tangina, siya tuloy pinagbayad ko ng dinner namin. Sayang, malaki pa naman ang dyoga niya at may konting hawig siya kay Mariel Rodriguez. Trip na trip ko kasi ang mga kuwentuhan kung saan topic ang isang libro, kahit na hindi kami pareho ng opinyon tungkol dito. Para sa akin, perfect ang gan'ung date, kahit 'di kalahikan ang dyoga n'ung babae.

Huwebes, Hulyo 26, 2012

Bagong crush

Guys, ipinakikilala ko nga pala senyo ang aking future ex-wife, si Kristine Santamena. Isa siyang model.

Crush ko siya kasi "fresh" ang dating niya sa akin, 'di tulad nina Anne Curtis, Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Lovi Poe at kung sinu-sino pang babad na sa billboard, magazine at TV commercials ang beauty at kaseksihan. Nakakasawa na sila! Oo, mala-diyosa sila at masarap pagnasaan, at kung iimbitahin nila akong maglaro ng strip poker sa kuwarto nila, siyempre payag ako. Ano 'ko, tanga?

Pero 'ika nga ng mga dalubhasa, kahit paborito mo ang adobo, kung araw-araw 'yan ang ihahain sa 'yo ng nanay mo, darating ang panahon magsasawa ka rin. Maghahanap ka rin ng ibang puta -- este -- putahe pala! Darating ang araw maghahanap ka rin ng menudo. Gan'un ang nararamdaman ko kina Anne, Solenn, Georgina at Lovi. Naumay ako.

Kaya ngayon may bago na 'kong crush. At tulad nina Anne et.al., sexy din siya at long-legged at magaling pumorma. Hiling ko lang, manatili sana siyang low profile. Selfish kasi ako; ayoko ng maraming karibal.

Martes, Hunyo 12, 2012

Fan sign

Eto ang pampainit na bumulaga sa akin nitong maulan na Miyerkules ng umaga: isang "fan sign" mula kay Leonissa Mae Issabel Floriano, isa sa mga katsokaran ko sa Facebook.

Bagama't mukhang retokado (i.e. Photoshopped) ang larawan, okay na sa akin 'to dahil mababaw naman ang kaligayahan ko. Sapat na sa akin na nag-effort ang sinumang henyo na may pakana nito para ilagay ang napakaganda kong pangalan sa cardboard na hawak ni Leonissa, na may ambisyon 'atang humilera sa mga tulad ni Mocha Uson, Nathalie Hayashi, at Jahziel Manabat -- mga tsikas na napaka-generous maglantad ng kanilang, um, mga natatanging yaman sa Internet para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng mga simpleng manyakis na tulad ko.

Para d'un sa mga interesado kay Leonissa, silipin na lang ang kanyang Facebook page. Hindi kayo magsisisi, lalo na kung trip n'yo 'yung tinatawag na "exotic beauty." Narito ang dalawang sample pictures niya:


Ayos ba mga 'tol? Kung trip niyo siya, add niyo siya sa Facebook at mag-request din kayo na gawan niya kayo ng fan sign.