Biyernes, Agosto 3, 2012

Dream date

Sabi ng mga eksperto, date a girl who reads.

Pabor ako dito, dahil ako 'yung tipo ng tao na adik sa pagbabasa. Kahit saan ako magpunta, lagi akong may dalang libro. Kahit sa CR habang jume-jebs, may binabasa ako, either magazine o libro. (Pero hindi ako nagbubukas ng FHM o Playboy sa ganitong sitwasyon, dahil mahirap jumebs na may erection. Subukan mo.) Bago matulog sa gabi, nagbabasa ako. Habang nakapila sa FX, o naghihintay ng order sa isang lugawan, o naghahantay ng serbisyo sa isang bangko o government office, habang nasa bus o FX na naipit sa trapik, habang nagpapababa ng amats matapos makipag-inuman, nagbabasa ako. Mas gusto ko 'to kaysa makinig sa chismisan ng mga ugok sa paligid ko, o mag-text  ng kung anu-ano sa mga kakilala ko, o manuod ng TV kung saan karamihan sa palabas ay si Kris Aquino. Pag depressed ako, libro ang nilalapitan ko, hindi kaibigan. Tipid na, mas may sense pa.

At dahil mahilig ako magbasa, natural lang na ang gusto kong ka-date ay mahilig ding magbasa. Gusto ko, pag nagkuwento ako tungkol kay Hemingway o Stephen King ay hindi hihikab o magkakamot ng ulo o iikot ang mata ng ka-date ko. Major turn off para sa akin ang babaeng hindi alam kung ano 'yung The Catcher in the Rye. Dati, may naka-date ako na akala nya basketball player si JD Salinger. Tangina, siya tuloy pinagbayad ko ng dinner namin. Sayang, malaki pa naman ang dyoga niya at may konting hawig siya kay Mariel Rodriguez. Trip na trip ko kasi ang mga kuwentuhan kung saan topic ang isang libro, kahit na hindi kami pareho ng opinyon tungkol dito. Para sa akin, perfect ang gan'ung date, kahit 'di kalahikan ang dyoga n'ung babae.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento