Bakit hindi? Tahimik ang gabi, nakaka-in love ang tugtog sa radyo ("Miss You In A Heartbeat" ng Def Leppard), at simula ng aking weekend.
Ah yes weekend. Pahinga sa trabaho, sa biyahe at hindi magagandang balita. Pahinga sa pakikipagplastikan at pulitika ng opisina. Pahinga sa mundo. Dalawang araw kung kailan puwede kong isigaw na "Tangina niyong lahat" sa, well, sa lahat! (Sa Linggo, simula ng aking workweek, pagkakataon naman ng lahat na sumigaw ng "Tangina mo rin! Gago!")
Ang blog na ito ay Rated PG. Patnubay ng magulang ang kinakailangan |
Pero seryoso, gusto ko lang ng outlet. Masyado kasing marumi ang isip ko para sa isang "normal" na blog. At least dito may freedom akong isulat ang gusto kong isulat, nakadidiri man ito o nakaka-L o nakakainis. Kung aksidenteng mapapadaan ka rito, Dear Reader, at nagustuhan mo ang iyong nabasa, salamat. Kung hindi naman, maghanap ka na lang ng ibang blog na babasahin at ituring na lang ito na isang masamang panaginip.
Hanggang sa muli. Sana hindi ito ang una't huli kong entry dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento